Wala! Wala lang!
Naisip ko lang na masarap pa rin siguro mabuhay ng walang cellphone, walang telepono, walang facebook, twitter at internet.
Yun tipong mga kaybigan lang ang meron. Mga tunay na kaybigan na kahit di mo makausap, kahit di mo makita eh tunay at laging nandiyan lang. Mga tunay na tao. Mga tunay na maasahan. Mga tunay na kailangan mo.
Kelan kaya babalik sa normal ang buhay ng tao. Yun walang bagay na dahilan na pag kasira ng tao, walang bagay na dumudumi sa pagsasamahan ng bawat isa. O sa madaling salita walang mga walang kwentang bagay sa mundo.
Masaya ang makabagong panahon pero mas masaya ang basic na nakasanayan noon.
Sa kadahilanan na kahoy ang uso noon pero plastik na ang nag kalat ngayon.
Sa mga darating na araw, huwag sanang tuluyang sirain ng makabagong imbensyon ang tunay na pagkakaibigan, tunay na pag sasamahan at tunay na pag mamahalan.
At sa mga nasira na at naging biktima, h'wag kayo magalalasa kadahilang parte na kayo ng isang malungkot at makabagong alamat ng walang kwentang bagay sa mundo.
~iamn0thing