Monday, April 25, 2011

Do not race if you don't aim for the first position.


Rider : ME a.k.a. sailorboy 
Race bike : sailor (Suzuki Raider R150 - 2007 model)
Race Track : Carmona Race Track, Carmona
Race Event : Club R150 Cup, Club R150 Trackday

*2010 Rookie Award 
*2010 4th Placer (Anniversary Race - Boomland Race Track) 
*2010 4th Placer Club Race (Sonicboom - Carmona Race Track)
*2011 2nd Placer Club Race (Repsol Road Race Championship - Boomland)

Saturday, April 23, 2011

"Hakbang ng Matapang" -Alay Lakad 2011 special


Huwebes Santo, araw kung saan ginaganap ang "Alay Lakad".  Kanya kanyang paghahanda sa mahabang pag lalakad. May mga tumambay at inantay ang oras ng pag-alis, ang iba'y naghanda ng 
ibabaon na pagkain, nagcharge ng cellphone, nagpahinga at may nag iinom na para mas masaya. Libu libong kabataang nag mula sa iba't ibang sulok ng Maynila. May mga nagsimula sa Crossing, Pasig, Marcus hi-way, Qc at may mas malalayo pa para daw mas astig. Kanya kanyang grupo at kanya kanyang istilo ng paglalakad. Mga Brotherhood na nagkalat sa bawat kanto namimigay ng tubig na di mo alam kung mineral water o funeral water. Nagkalat ang gitaristang bulag habang kumakanta ng classic. Mga pagkain na mukhang masarap dahil marami ang bumibili at meron din unlimited na basurang nagkalat sa kalsada. Ibat-ibang paraan ng paglilibang sa sarili mula sa sakit ng paa, may mga korning patawa at may akala mo kung sinong matapang na naghahanap ng away pero iisa lang naman talaga ang tunay na matapang ng gabing iyon. Isang mamang nagmula sa grupong San Andres Pride na sumama bitbit ang tatlong paa. Nagpenetensya kasama ang iba dala ang kahoy na animo krus na pinaghiwalay at ginawang saklay. Tapang na walang katulad basta makarating lang ng antipolo ay matupad. Taong di ata naniniwala sa pulikat at tiwalang di mababali ang kanyang tungkod. Walang patunay kung siya ay nakarating sa Cathedral ng antipolo o napagod ng husto at di naituloy ang plano. Subalit ang unang hakbang sa pagsubok ay sapat na upang masabing tunay siyang matapang.
Penetensyang nagbibigay aral sa bawat isa na di dahilan ang pag kakaroon ng kapansanan upang kasalanan ay mabawasan. Isa sa mga dapat maging inspirasyon hindi lang sa araw ng mahal na araw, bagay na dapat tularan.. di ang maging pilay, di ang gumamit ng saklay, kundi humakbang ng may tapang at tiwala sa sarili na di hadlang ang isang bagay para makamit ang pangarap sa buhay.
Maligayang Araw ng pagkabuhay.











~iamn0thing

Monday, April 18, 2011

What is I Am Nothing?






I Am Nothing... salitang nagkalat sa images ng google, paulit ulit na ginagamit sa mga kantang nangangarap mapasikat, noon ay isinusulat sa stationary mapasagot lang ang nililigawan, at salitang kung sino sino ang gumagamit mapansin lang sa kalawakan. Teka.. eh ano bang silbi ng salitang yan sa katulad kong mang mang. Salitang ibinansag sa sarili hindi dahil naging bayani, hindi dahil nanalo sa lotto, nakagamit ng ipinagbabawal na gamot o na-empacho. Ito'y mga letrang lumabas sa bunganga este bibig ng aking titser noong ako'y nag aaral sa hayskul. Hindi ko siya binigyan ng homework para bigyan ng kahulugan ang tatlong titik na pangalan dahil kung nagkataon eh binigyan ko sana siya ng five star para matuwa ang kanyang asawa pag uwi niya. Ito ang kwento, Isang titser na galit na galit sa akin dahil sa insecure na may kakayahan akong patawanin ang buong klase na siguro sa isip niya ay siya ang pinag tatawanan. Babaeng nagtapos sa kursong BS in Secondary Education na mas marunong pa sa nanay kong nag ere ng tatlong araw sa akin. Dapat daw Christian ang pangalan ko dahil pag wala ang Christ eh I am nothing. Buti nalang di ko sinisi ang nanay ko sa pangalan ko dahil baka di ako bigyan ng baon, napa isip ako kung siya ang nanay ko Christian ang pangalan ko.  Paulit ulit na ibinabato sa akin pero di ako tinatablan dahil siguro di ko naman talaga naiintindihan. Salitang ginagamit para sa wala lang, parang ipis na laging sinisisi tuwing makikitang dumaraan. Marahil eto na nga yung tinatawag na makabagong teknolohiya, pati ang utak subrang talino na. Kung anu anong pangalan ang naiimbento, may isinisingit na H sa hulihan at paminsan naman ibinabaliktad masabi lang. Buti nalang nauso ang social networking at nauso ang code name, swak ang pangalan na mula lang sa napag tripan. Paano kung isinumbong ko siya sa DECS na ngayon ay DepEd na, pinagkaguluhan kaya ako sa tv? o nakulong ako kasama si hubert? Paano kung babae ako? umiyak siguro ako sa sama ng loob. pero hindi mangyayari yun kasi ang sagwa kung babae ang may dala ng pangalan ko tapos nagpapatawa sa loob ng klase. Buti pa ang bandang Katatonia napasikat na ang kantang I Am Nothing. Buti pa ang titser ko sikat na siya at isa na siyang alamat ng I Am Nothing. Ako ganun parin parang wala lang ginagamit pa rin ang salitang I Am Nothing.

-iamn0thing


Friday, April 15, 2011

absolutely nothing...


It's just an ordinary day for everyone. Some will never forget this day while others will hate forever. But for me, an awesome day with nothing... great that I'm still kicking and at the same time still nothing. Start and end the day with a regular utterly boring daily task. Hoping that there is something unexpected thing that will change my existence. Wondering how can I be a browser so I can just type all my questions. But at the end, being optimistic will turn everything into a more meaningful things. Thanks to the powerful one who gave me the guts to do this, sharing what I really don't have explaining what I really don't understand. Tomorrow will be another day asking who Am I... answering I Am Nothing.



~iamn0thing