Araw na damang dama ng bawat isa, di para magbigay pugay sa magigiting na bayani kundi dahil legal holiday at double pay. Mga sundalong may formation sa mga kampo, mga taga MalacaƱang na nasa Quirino Granstand, at mga taong taga linis ng rebulto ng mga bayani ang mga tanging nagdidiwang sa araw na ito. Ano ang kahalagahan sa iyo, sa kanila, sa mga batang nasa computer shop at naglalaro ng dota, at sa mga taong tuwang tuwa gumala sa Mall of Asia. Kawawang mga bayani, inulan at inaraw nalang ang kanilang mga monumento, iisang araw na nga lang di pa napagbigyan ng mga tao. Mga tunay na bayani na dahilan ng ating istado, pero hanggang alamat na nga lang ba sila? Nasaan na ang mga taong nagbabalik ng wallet at cellphone na napulot at naiwan sa kanto? ubos na ba ang mga nagpapaupo sa mga babae at matatanda sa jip, bus at lrt? wala na ba talagang pupulot ng basurang nakita sa daan at ilagay sa tamang lagayan? di na ba mababawasan ang mga taong mahilig sa suhol at lagay? dagsa na ba ang mga batang laki sa layaw at kulang na sa respeto? o maniniwala nalang ba tayo na ang bagong bayani ng bayan ay katulad lang ni Manny Pacquiao, Charice Pempengco o ang mga nagdala ng gold na Philippine Dragon Boat Team. Kung araw-araw nating ipagpapatuloy ang kabayanihan ng mga tunay nating bayani, daig pa nito ang magbigay pugay ng isang araw, isang linggo o isang taon. Maliit na bagay ng kabutihan laban sa kasikatan, kayamanan at kapangyarihan. Mga gawaing di lumalabag sa kautusang pantao at pang Diyos. Salamat sa mga tunay na bayaning namuhunan ng puso't kaluluwa upang makamtan ang tunay na kayamanan. Maging bayani sa magulang, sa kaibigan, sa kapwa at huwag ilibing ang likas na kabayanihan at ibenta kapalit ang pansamantalang makamundong kahilingan.
Maligayang araw kay Bayani Agbayani at Bayani Fernando! =
BAYANI Agbayani |
BAYANI Fernando |
-iamn0thing (feeling bayani)