Showing posts with label Jose Rizal. Show all posts
Showing posts with label Jose Rizal. Show all posts

Monday, August 29, 2011

Araw ng mga Bayani

Araw na damang dama ng bawat isa, di para magbigay pugay sa magigiting na bayani kundi dahil legal holiday at double pay. Mga sundalong may formation sa mga kampo, mga taga MalacaƱang na nasa Quirino Granstand, at mga taong taga linis ng rebulto ng mga bayani ang mga tanging nagdidiwang sa araw na ito. Ano ang kahalagahan sa iyo, sa kanila, sa mga batang nasa computer shop at naglalaro ng dota, at sa mga taong tuwang tuwa gumala sa Mall of Asia. Kawawang mga bayani, inulan at inaraw nalang ang kanilang mga monumento, iisang araw na nga lang di pa napagbigyan ng mga tao. Mga tunay na bayani na dahilan ng ating istado, pero hanggang alamat na nga lang ba sila? Nasaan na ang mga taong nagbabalik ng wallet at cellphone na napulot at naiwan sa kanto? ubos na ba ang mga nagpapaupo sa mga babae at matatanda sa jip, bus at lrt? wala na ba talagang pupulot ng basurang nakita sa daan at ilagay sa tamang lagayan? di na ba mababawasan ang mga taong mahilig sa suhol at lagay? dagsa na ba ang mga batang laki sa layaw at kulang na sa respeto? o maniniwala nalang ba tayo na ang bagong bayani ng bayan ay katulad lang ni Manny Pacquiao, Charice Pempengco o ang mga nagdala ng gold na Philippine Dragon Boat Team. Kung araw-araw nating ipagpapatuloy ang kabayanihan ng mga tunay nating bayani, daig pa nito ang magbigay pugay ng isang araw, isang linggo o isang taon. Maliit na bagay ng kabutihan laban sa kasikatan, kayamanan at kapangyarihan. Mga gawaing di lumalabag sa kautusang pantao at pang Diyos. Salamat sa mga tunay na bayaning namuhunan ng puso't kaluluwa upang makamtan ang tunay na kayamanan. Maging bayani sa magulang, sa kaibigan, sa kapwa at huwag ilibing ang likas na kabayanihan at ibenta kapalit ang pansamantalang makamundong kahilingan.

Maligayang araw kay Bayani Agbayani at Bayani Fernando! = 

BAYANI Agbayani
)

BAYANI Fernando








 -iamn0thing (feeling bayani)

Sunday, June 19, 2011

Happy Birthday Pepe

Bakit PEPE? pede namang Rizalsky.
kung buhay si Pepe ngayon.. galit rin kaya sya kay gloria?
Bakit ang haba ng pangalan nya? ganun ba pag bayani? eh bakit si manny?
kung nakulong si Rizal sa bilibid.. Sputnik ba sya o Bahala na Gang?
Bakit sa lahat ng babaero sya lang ang hindi nagkaroon ng maraming anak?
kung buhay pa si Rizal at Andres.. magkumpare kaya ito?
Bakit sa piso nilagay si Rizal at hindi sa Isang libo?
kung magkikita kayo ngayon ni Pepe sa Mall.. magpapa-picture ka ba?
Bakit sa Ateneo siya nag aral at hindi sa UST?
kung mahilig sya magsulat.. blogger kaya sya sa ngayon?
Bakit may sumasamba kay Rizal, kay Andres wala.
kung sumali sa sa MASON.. nang gugulpi kaya sa sa mga bagong recruit?
Bakit di nalang palitan ni Pacman si Rizal? one sided din naman buhok nya.
kung hindi si Rizal ang pambansang bayani.. sino? ikaw?
Bakit ang dami ng bumaril sa kanya pede naman isa nalang sayang sa bala.
kung di siya pinatay.. ilang taon kaya siya mamamatay.
Bakit kaya andaming tanong tungkol kay Rizal.
kung Ikaw Rizal.. sino si Pepe?

Maligayang kaarawan Jose Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. (June 19, 1861)