Ang tunay na lalake ay nagpupuyat.
Alas kuwatro na gising pa ako.
Ang tunay na lalake ay sinesermonan.
Puyat habang nakikinig ng sermon ng magulang.
Ang tunay na lalake ay nagpapaliwanag.
Ipinaliwanag ko ang lahat, tinimbang ngunit kulang.
Ang tunay na lalake ay nakikipagtalo.
Nakipagtalo't nangarap maipagtanggol ang sarili.
Ang tunay na lalake ay umaamin ng mali.
Inamin ko ang pag kakamali, sumubra na nga pati hindi.
Ang tunay na lalake ay tumataas ang boses.
Nakipag usap ng mataas ang boses ngunit di sumisigaw.
Ang tunay na lalake ay walang itinatago.
Sinabi ko lahat ng gusto at ayaw mabanggit.
Ang tunay na lalake ay nakakasama ng damdamin.
Wala akong intensyong makasakit ng damdamin, Promise!
Ang tunay na lalake ay nanunumbat.
Sinumbatan ako ng mula ulo hanggang paa.
Ang tunay na lalake ay naninisi.
Ako'y nasisi sa di ko pag sunod sa kursong gusto nila.
Ang tunay na lalake ay di nakakaintindi.
Sa haba haba ng paliwanagan, di talaga mag kaintindihan.
Ang tunay na lalake ay sumasama ang loob.
Tunay na nasaktan ako sa panunumbat ng ama ko.
Ang tunay na lalake ay swerte.
Swerte at biglang nagbago ihip ng hangin at umayos ang usapan.
Ang tunay na lalake ay humihingi ng pag papatawad.
Sa lahat ng pagkukulang at pagkakamali ko, Sorry.
Ang tunay na lalake ay nagpapatawad.
At muli akong tinanggap kung sino ako.
Ang tunay na lalake ay umiiyak.
Umiiyak kaming dalawa ng ama ko habang lahat ng ito ay nangyayari.
Ang tunay na lalake ay yumayakap.
Mahigpit akong yinakap ng ama ko.
Ang tunay na lalake ay nagsasabi ng "i love you".
At sinabi kong mahal na mahal ko sila.
Ang tunay na lalake ay tumatapos ng usapan.
Na walang walk-out na naganap.
Ang tunay na lalake ay walang dinadalang sama ng loob.
Sa wakas na-iparating ang bawat saloobin.
Ang tunay na lalake ay may napupulot na aral.
At muling natuto sa masakit na paraan.
Ang tunay na lalake ay di nahihiya.
Ipinamahagi at ipinaalam sa kapwa ang karanasan.
Ang tunay na lalake ay humaharap sa problema.
Na di sagot ang paglalayas, paglalasing at pag post sa facebook.
Ang tunay na lalake ay hindi sumbungero.
Wag ka magsumbong sa kaibigan dahil di pa sya magulang.
Ang tunay na lalake ay matapang.
Problema ay harapin wag ang tigyawat sa salamin.
Ang tunay na lalake ay nagdadasal.
Magdasal ng tama hindi puro hingi.
Ang tunay na lalake ay Nag ba-blog.
Buhay ay blog. Tsismis ay Facebook.
Ang tunay na lalake ay walang kwenta.
Tulad ko!
Ang tunay na lalake ay nagbabasa ng Blog.
Tulad mo!
written after the "Brain Blood Brawl" Battle of Father and Son (Mediavilla)
~iamn0thing
No comments:
Post a Comment