Friday, June 24, 2011

The return of the comeback, ONDOY!


Kapoteng laging basa
botang di kinaya ang baha.
payong na sa hangin ay nasira
at di maipintang mukha.

Mga bahay na pinasok ng baha
sasakyan na nag kakandasira sira
kuryenteng nagkakandawala wala
yan ang handog ng bagyo at baha.


Eskwelahan na nagmistulang bakasyunan
mga estudyanteng tuwang tuwa naman
relief goods na pinag aagawan
nasaan ang mga nagtatagong mayayaman?


Sandatang pang ulan ay nakahanda
pagasang ulan ay titila
mga maling balita sa PAGASA
at pangako ng gobyernong puro paasa.

Si Ondoy na nagpakitang gilas
ramdam ng mga pobreng daing ay minalas
dalangin ng lahat ay wag maulit
ngunit kalikasan di maiwasan magalit.

Falcon na dumaan hila ang hanging habagat
nagmistulang Ondoy na nagiwan ng lamat
buhos ng ulan na ayaw magpaawat
dasal ng lahat bagyo'y sumibat.

Sa susunod na taon ano ang dapat asahan
sa panahon ng tagulan ganito na naman
Anong bagyo ang ingangalan
sa bagyong bubura sa lupang sinilangan.

Basurang itinapon ay babalik sayo
yan ang dapat pakatandaan at itanim sa utak nyo.
kaylanman di matatapos ang delubyo
hanggat ang lahat ay di natututo at di nagbabago.

Salamat Panginoon sa araw na ito
kami'y di nawawalan ng pag asa't paniniwala sa iyo
Bago burahin ang lupaing ito
Sana'y kaming lahat ay patawarin nyo.

Sunday, June 19, 2011

Happy Birthday Pepe

Bakit PEPE? pede namang Rizalsky.
kung buhay si Pepe ngayon.. galit rin kaya sya kay gloria?
Bakit ang haba ng pangalan nya? ganun ba pag bayani? eh bakit si manny?
kung nakulong si Rizal sa bilibid.. Sputnik ba sya o Bahala na Gang?
Bakit sa lahat ng babaero sya lang ang hindi nagkaroon ng maraming anak?
kung buhay pa si Rizal at Andres.. magkumpare kaya ito?
Bakit sa piso nilagay si Rizal at hindi sa Isang libo?
kung magkikita kayo ngayon ni Pepe sa Mall.. magpapa-picture ka ba?
Bakit sa Ateneo siya nag aral at hindi sa UST?
kung mahilig sya magsulat.. blogger kaya sya sa ngayon?
Bakit may sumasamba kay Rizal, kay Andres wala.
kung sumali sa sa MASON.. nang gugulpi kaya sa sa mga bagong recruit?
Bakit di nalang palitan ni Pacman si Rizal? one sided din naman buhok nya.
kung hindi si Rizal ang pambansang bayani.. sino? ikaw?
Bakit ang dami ng bumaril sa kanya pede naman isa nalang sayang sa bala.
kung di siya pinatay.. ilang taon kaya siya mamamatay.
Bakit kaya andaming tanong tungkol kay Rizal.
kung Ikaw Rizal.. sino si Pepe?

Maligayang kaarawan Jose Protasio Rizal Mercado y Alonzo Realonda. (June 19, 1861)

Sunday, June 12, 2011

Kalayaan 2011

Isang araw na ginugunita ng mga taong maka gobyerno, mga taong nagsasaya dahil holiday at walang pasok, mga taong umaasang double pay ang sahod at ng mga taong walang pakialam sa mundo.

Kalayaan... mag post sa wall sa facebook account ng mga walang kwentang bagay, mag tweet sa twitter ng mga tsismis, mag post ng nakakaumay na blog sa tumblr at patuloy na pag gawa ng testimonials sa friendster ng mga walang facebook, twitter at tumblr.