Friday, June 24, 2011

The return of the comeback, ONDOY!


Kapoteng laging basa
botang di kinaya ang baha.
payong na sa hangin ay nasira
at di maipintang mukha.

Mga bahay na pinasok ng baha
sasakyan na nag kakandasira sira
kuryenteng nagkakandawala wala
yan ang handog ng bagyo at baha.


Eskwelahan na nagmistulang bakasyunan
mga estudyanteng tuwang tuwa naman
relief goods na pinag aagawan
nasaan ang mga nagtatagong mayayaman?


Sandatang pang ulan ay nakahanda
pagasang ulan ay titila
mga maling balita sa PAGASA
at pangako ng gobyernong puro paasa.

Si Ondoy na nagpakitang gilas
ramdam ng mga pobreng daing ay minalas
dalangin ng lahat ay wag maulit
ngunit kalikasan di maiwasan magalit.

Falcon na dumaan hila ang hanging habagat
nagmistulang Ondoy na nagiwan ng lamat
buhos ng ulan na ayaw magpaawat
dasal ng lahat bagyo'y sumibat.

Sa susunod na taon ano ang dapat asahan
sa panahon ng tagulan ganito na naman
Anong bagyo ang ingangalan
sa bagyong bubura sa lupang sinilangan.

Basurang itinapon ay babalik sayo
yan ang dapat pakatandaan at itanim sa utak nyo.
kaylanman di matatapos ang delubyo
hanggat ang lahat ay di natututo at di nagbabago.

Salamat Panginoon sa araw na ito
kami'y di nawawalan ng pag asa't paniniwala sa iyo
Bago burahin ang lupaing ito
Sana'y kaming lahat ay patawarin nyo.

No comments:

Post a Comment